Monday, November 05, 2007
early christmas present from a stranger
nakasabay ko minsan si mae sa jeepney on the way home. sa fx rin kasi sya sa Big R sasakay pauwi para mas mura. nung nasa tapat na kami ng SM Fairview, sa usual na babaan at sakayan ng mga pasahero, may babaeng nag-abot kay mae ng yellow artificial flower pot plant. nagulat ako! i was like "what in the world is she doing? baket siya nagpapamigay ng ganun ganun lang? bakit kay mae pa? was that a joke? o baka naman modus operandi iyon?" it's really hard to tell. mukha namang mabait yung babae, kaso mahirap na rin magtiwala masyado. based na rin sa personal experiences ko. *sheez* baka MO lang yun, ma-round two pako. ayoko ng ganun! *yikes* pero nung nasa may bandang Maligaya Subd na kami. nagkalkal ulit ung babae sa sako niya. sa sako kasi nakalagay ung mga pot plants na dala niya. and then, when she found what she was looking for, she handed me a different type of the pot plant as well. syempre tinanggap ko rin at nag-thank you. pero nag-usisa pa ko ng bahagya. sabi nya nabubutas na raw kasi ung garbage bag nya sa sobrang dami nung pot plants na bitbit nya kaya niya kami binigyan. good reason naman kasi obvious naman na nabubutas na nga ung sako nya. i saw it eh! tapos tinanong ko kung saan niya nabili. sabi niya ginawa lang daw niya yun at marami pa raw siya sa bahay. tinanong ko siya ulit kung ano naman ang balak niyang gawin sa mga yun. ang sagot niya, ipangdedekorasyon daw niya. pinayuhan rin niya kaming ilagay sa ibabaw ng ref ung pot plant. familiar naman ako sa ganun. kaso may nakalagay na sa taas ng ref namin kaya sa lamesa na lang. sabi pa niya, yun na lang daw ang maagang pamasko niya samin ni mae. o dba?! hehehe. nung nasa pila na kami ng fx, nagdadalawang isip pa rin ako. sabi ko kay mae, baka may bombang nakapaloob sa mga halaman na yun. sabay alog sa mga hawak namin. trying to check kung may weird sound na tutunog. hehehe. so far, so good. ok naman. nasa dinner table namin yung pot plant at thank God wala namang bombang nag-eexplode til now. hehehe.. ^_^



