Tuesday, November 20, 2007
massage machine


wahahaha. ang mga magulang ko na feeling senyorito-senyorita habang minamasahe ni ms. arlene gamit ang kung anung mga instrumento na iyon. may kasama pa siyang isang makulit na businesswoman rin ngunit sa kasamaang palad, hindi ko siya nakuhaan ng litrato. tsk tsk. anyway, ayun nga. matagal na raw nila hinaharana si mama para bilhin ang mga naturang instrumento. at ngayon nga ay natesmpuhan nila siya na narito sa bahay kung kaya't dali-dali silang nag-demo sa amin. noong si mama pa ang dinedemohan, antagal bago nila sya mapilit. sabi niya intayin daw muna nila ang decision ni ama. nang mag-gabi na, hala! inintay pa pala tlga ni ms. arlene si papa na dumating. so ayun, demo-demo ulit. at super bilis niyang napapayag si papa na bilhin ang naturang pang-masahe.

PS. nabugbog katawan ko kakamasahe dun! nasobrahan! nasarapan kasi masyado eh! hahaha. ^_^


On 10:57 PM, diane let go.