Saturday, November 10, 2007
misteryosong mama
pauwi na naman kami ni mae ng may mangyaring kung anong kakaiba. nasa pila kami nun ng sakayan ng Vicas sa Big R. may lalaking naka-itim na nasa unahan namin. tinanong ko sya kung nakapila ba sya. oo raw. nung nakaupo na kaming nag-iintay, pinagpag nya ung pwesto niya at saka niya dahan-dahang binaba ung bag niya. malaki un at itim. parang traveller's bag pero hindi de-gulong. ingat na ingat siya sa pagbaba nun. tapos kinausap niya kami. sabi niya, "paki bantayan naman sandali tong bag ko. bibili lang ako dun." tumango lang kami ni mae. tapos ayun nga, bumili siya ng sigarilyo. di naman kalayuan yun sa pila. habang nagpapasindi ng sigarilyo, namataan kong pasulyap-sulyap siya sa amin. binabantayan pa rin siguro yung dala nya. pagkabili, hindi muna siya bumalik sa pila. tumayo lang siya sa tapat namin mga limang metro ang layo, at saka siya nanigarilyo. gaya ng kanina, napansin kong pasulyap-sulyap pa rin siya sa amin. kung anu-ano na tuloy ang pumapasok sa isip namin ni mae. baka may bomba ung bag niya. o baka nman may ninakaw siyang malaking halaga ng pera at dun niya nilagay. o baka hindi lang pera ninakaw niya, baka may cellphone at alahas rin. o cguro, balak niyang hostage-in ung sasakyan naming fx. naku! wag naman sana, bulong-bulungan namin. nung dumating na ung fx na van, sumakay na kami. tinype ni mae sa cellphone kung nakasakay daw ba namin ung lalaki. akala niya kasi hindi. ang sabi ko nasa likod natin siya. nasa may gitna kasi kami. kalikod ko bale ung misteryosong mama. on-the-way, tuloy ang dasal ko na sana nagkakamali lang kami. na sana wag niyang hold-up-in ung sinasakyan namin. na wag lalo siyang mang-hostage. mga ganung bagay. nung ibabalik na sukli niya, ako pa nagbalik. kinikilabutan pa ko nun. *yikes* pagdating sa vicas, inaasahan kong bababa na siya pero hindi ganun ang nangyari. sa isip-isip ko gusto kong sabihin dun sa driver na kulang pa ang binayad niya. kinse pesos kasi dapat. sampu lang nman ang binayad niya. nakababa nko, nandun pa rin siya. laking ginhawa na wala sa mga iniisip namin ni mae ang nangyari. fin~



